"Ang bawat character kasi, hindi siya pare-pareho. Iba-iba ang kaluluwa ng bawat character. 'Yung ina-apply ko noong bata ako is mag-research, kung paano ka bubuo ng bagong tao." - Isabelle de Leon
Nagsimula bilang isang child actress si Isabelle de Leon, at nakilala bilang Duday sa dating sitcom na Daddy Di Do Du. Ngayong dalaga na siya, ikinuwento ng Magkaibang Mundo star sa GMANetwork.com ang mga natutunan niya through the years.
"Ang bawat character kasi, hindi siya pare-pareho. Iba-iba ang kaluluwa ng bawat character. 'Yung ina-apply ko noong bata ako is mag-research, kung paano ka bubuo ng bagong tao," she began.
Ganito raw ang ginagawa niya ngayon sa role niya bilang Sofie Sandoval.
READ: Isabelle de Leon is a first time kontrabida in 'Magkaibang Mundo'
"Nag-research ako ng iba't ibang villains. Iba-iba pa pala mga kulay niyan, akala lang natin basta masama 'yun na 'yun. Kinikilala ko pa siya, na maging totoong tao siya at hindi basta character lang. 'Yun lang ang ina-apply ko sa bawat character na binibigay sa akin simula nung bata pa ako. Immersion at research sa iba't ibang klaseng tao."
Tinanong din namin kung nahirapan ba siya sa kanyang transition from child star to young actress.
"Mas random ang mga roles na natatanggap ko noong child actress ako. Batang demonya, batang bulag, batang may cerebral palsy, iba-iba, andami. Actually marami na pong kakaiba, pero lahat 'yun medyo inaapi-api sila, except doon sa batang demonya sa Kakakabakaba."
Paliwanag pa niya, "Pero noong nag-transition po ako, nag-music na ako. Natuto na rin akong kumanta at magsulat ng kanta, 'yun ang naging way ko sa pagbalik. And also, nung umaarte na ako, puro sa rom-coms ako nilagay. Okay naman siya, mas complex lang 'yung emotional na aspeto kapag dalaga na 'yung character. Kasi kapag bata ka iyak-tawa ka lang. Ngayon mayroon nang pagseselos, inggit, insecurity."
MORE ON MAGKAIBANG MUNDO: