
Nagsimula na ang pinakabagong kinagigiliwang drama sa gabi na What We Could Be.
Sa nakaraang linggo ng GMA at Quantum Films series, nakilala ang breadwinner na si Cynthia (Ysabel Ortega), isang nurse. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya at para sa kanilang pangarap na buhayin ang kanilang panaderia. Sa isang iglap, nawalan ng trabaho si Cynthia dahil sa kakulangan ng pondo ng ospital na pinagtatrabahuhan niya.
Nagpursige si Cynthia na makakuha agad ng trabaho kahit pa maging personal nurse ng "matandang mayamang malapit na mamatay" na si Lola Onor (Celeste Legaspi). Isang challenge para kay Cynthia na alagaan ang masungit na matanda pero nakuha rin niya ang loob nito dahil sa hilig nila pareho sa pagbe-bake.
Mag-isa na lang si Lola Onor sa buhay kaya ang katiwala niyang si Mang Tonyo (Joel Saracho) ang kanyang kasama sa malaki niyang bahay. Alam ni Lola Onor na maraming naghihintay sa kanyang mamatay, kabilang na ang pamangkin niyang si Helen (Joyce Burton) na gagawin ang lahat mapunta lang ang properties ng matanda sa kanya.
Napamahal na nang husto si Cynthia kay Lola Onor kaya nahirapan siyang tanggapin nang pumanaw ito.
Habang nagluluksa, laking gulat ni Cynthia na sa kanya ipinamana ni Lola Onor ang bahay at lupa nito kahit pa hindi sila magkamag-anak, na labis na ikinagalit ni Helen.
Mapapanood ang What We Could Be mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.
May replay naman ang What We Could Be sa GTV-Channel 27 weeknights. Ipapalabas ang rom-com series mula Lunes hanggang Huwebes sa ganap na 11:30 ng gabi, at Biyernes sa oras naman na 11:00 p.m.
May livestreaming din ang What We Could Be sa GMA Network website, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Magiging available ang episodic highlights ng bagong teleserye sa GMANetwork.com o GMA Network app at sa official social media pages ng network.
Para sa iba pang updates tungkol sa What We Could Be, bisitahin ang kanilang official Facebook page (WhatWeCouldBeGMA) at Instagram account (whatwecouldbegma).
NARITO ANG PASILIP SA BAGONG KAKIKILIGANG SERYE SA GABI: