
Sa pagdating ng isang alien sa Earth, magbabago ang takbo ng buhay na isang sikat na artista sa Pilipinas. Mula sa minahal na Koreanovela, narito ang Philippine version ng My Love From The Star.
Na-miss niyo ba ang out of this world love story ng aktres na si Steffi Chavez (Jennylyn Mercado) at ang alien na si Matteo Domingo (Gil Cuerva) kagabi?
Narito ang June 15 episode highlights ng show:
Ano itong madadatnan ng "papa" ni Matteo?
Makikilala na ni Steffi ang "papa" ni Matteo. Si Matteo naman makikilala kung sino talaga ang kakampi ni Steffi sa pag-ikot niya sa siyudad. Meron pa kayang naniniwala kay Steffi?
Ayaw ipaalam ni Matteo kay Steffi ang mga comments ng mga tao sa kanya. Kaya kahit nakabili na ito ng charger, ayaw pa rin niyang tingnan ng aktres ang mga balita online. May magagawa pa ba si Matteo para 'di masaktan si Steffi?