
Sa paglisan ni Kuya Germs sa mundo natin, huwag sana nating makalimutan ang kanyang kontribusyon at adhikain na iniwan. Ani ni Federico, “He believes every person should have a chance to achieve his dreams.”
Ngayon umaga (January14) ihahatid sa huling hantungan ang labi ng Master Showman sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Sa funeral mass na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network ngayong umaga, nagpasalamat ang anak ni Kuya Germs, si Federico Moreno, sa lahat ng nakiramay at nakaalala sa kanyang ama.
Maraming dumalo upang magpaalam kay Kuya Germs, kabilang na ang mga executives ng GMA, mga personalidad sa showbiz, at mga kaibigan sa likod at harap ng camera.
EXCLUSIVE: Kuya Germs comes home
Kilala si Kuya Germs sa showbiz bilang isang star-builder. Marami sa sikat na mga artista ngayon ang dumaan sa kanya at hanggang sa huling bahagi ng kanyang buhay, patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga taong gustong pumasok sa showbiz. Totoong hindi matatawaran ang kontribusyon ni Kuya Germs sa showbiz.
"My dad left a divine legacy and as a son, I would love to continue it, but I cannot do it alone," ang pahayag ni Federico matapos ang funeral mass.
"What's next for these kids?" Ang tanong ng tila nag-aalalang anak ng Master Showman. Ang tinutukoy nya ay 'yung mga taong tinutulungan ni Kuya Germs na pumasok sa showbiz bago ito pumanaw.
"I beg of you, we have to continue my father's divine legacy. I am not capable of doing what he has done for the industry," ang panawagan ni Federico sa mga kaibigan ng kanyang ama sa pagtatapos ng kanyang mensahe.
Tulad ng Master Showman, hindi maisantabi ng kanyang anak ang mga taong gustong pumasok sa industriyang minahal ng lubos ni Kuya Germs.
READ: Ang habilin ni Kuya Germs sa kanyang mga alagang artista