
Sa ikaapat na linggo ng What's Wrong with Secretary Kim, naging official couple na ang relationship status nina Franco (Park Seo-joon) at Macy (Park Min-young) pero hindi naging madali ang pinagdaanan ng dalawa.
Dahil lumaki sa mayamang pamilya si Franco ay hindi siya sanay sa mga gawain ng mga pangkaraniwang tao. Pero upang makuha ang loob ng mga kapatid ni Macy, pinilit pa rin niyang magpakitang gilas kahit pa mapagod sa paghahanap ng maliliit na mussels sa putikan.
Nagtagumpay naman si Franco na tuluyang makuha ang loob ng mga kapatid ni Macy dahil sa kanyang ginawa kung kaya't tuluyang ipinagkatiwala si Macy sa kaniya.
Kahit naman opisyal nang magkasintahan ang dalawa ay hindi pa rin mapigilan nina Macy at Franco na umaktong boss at secretary sa isa't isa.
Inamin din ni Macy kay Franco na hindi siya kumportable sa special treatment na binibigay sa kanya ng kasintahan sa loob ng opisina.
Bukod dito, nais naman ni Franco na maging kumportable si Macy na tawagin siya sa una nitong pangalan.
Sa kabilang banda, nagpunta si Macy sa bahay ng pamilya ni Franco upang alamin ang katotohanan tungkol sa nangyaring insidente ilang taon na ang nakakalipas.
Samantala, sa unti-unting paglabas ng katotohanan mula sa kanilang past nalaman din ni Macy na bata pa lamang ay inaya na pala niyang pakasalan ang kanyang boss na si Franco.
Panoorin ang What's Wrong with Secretary Kim, weekdays, 5:10 p.m. bago ang Family Feud sa GMA.
BALIKAN ANG NAKAKAKILIG NA MGA EKSENA SA WEEK 3 NG WHAT'S WRONG WITH SECRETARY KIM DITO:
What's Wrong With Secretary Kim: My girlfriend is my secretary (Episode 17)
What's Wrong With Secretary Kim: The childhood marriage proposal (Episode 17)
What's Wrong With Secretary Kim: Special treatment to my girlfriend/secretary (Episode 18)
What's Wrong With Secretary Kim: Calling the boss on a first-name basis (Episode 18)
What's Wrong With Secretary Kim: Macy tries to discover the truth (Episode 19)
What's Wrong With Secretary Kim: My honey is none other than Mr. Lee! (Episode 19)
What's Wrong With Secretary Kim: Mr. Lee wants to impress (Episode 20)
What's Wrong With Secretary Kim: Mission success for Mr. Lee (Episode 20)