GMA Logo Wheels on Meals
What's on TV

'Wheels on Meals' starring Jackie Chan, tampok sa GTV ngayong weekend

Published January 27, 2023 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Office of the Ombudsman press conference (Mar. 5, 2026) | GMA Integrated News
Boracay resort launches yacht service with Miss Universe PH delegates
Man shot after grabbing cop’s gun in Baguio

Article Inside Page


Showbiz News

Wheels on Meals


Kabilang ang 'Wheels on Meals' starring Jackie Chan sa mga pelikulang inihanda ng GTV ngayong weekend.

Isang classic Jackie Chan movie ang magpapasaya ng ating weekend sa GTV!

Tampok dito ang Hong Kong martial arts action-comedy na Wheels on Meals. Kuwento ito ng mag-pinsan na tahimik na nagpapalakad ng kanilang food truck sa Barcelona hanggang makilala nila ang isang mayamang tagapagmana na nanganganib ma-kidnap.

Bukod sa superstar na si Jackie Chan, tampok din sa pelikula ang actor-director na si Sammo Hung.

Abangan ang Wheels on Meals, January 28, 1:30 p.m. sa Siesta Fiesta Movies.


Para naman sa mahihilig sa disaster films, nariyan ang action-adventure film na End of the World.

Dahil sa solar storms sabay-sabay na magkakaroon ng mga tsunami, pagsabog ng bulkan, at pagbaha sa mundo. Para makaligtas, lilikas ang isang pamilya ng city dwellers patungo sa tagong mga kuweba. Makarating kaya sila doon para makaligtas sa pagkagunaw ng mundo?

Tunghayan ang End of the World, January 28, 6:15 p.m. sa G!Flicks.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.