Iniulat sa 24 Oras ang video greeting ni Michelle Liggayu para sa kanyang fiancé na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital. Ang kanilang relasyon kasi ay umabot na ng 6 years at 9 months.
Bukod sa kanyang pamilya ay marami pa rin ang nagdarasal at nagpapatatag sa loob ng binata. Kabilang dito ay ang dating artistang si Jackie Forster at ang kanyang anak.
“Hi Kuya Jam, it’s Caleigh. My mom just wanted [you] to know that we’re praying for you. Tomorrow will be a better day. God bless you! Jesus loves you,” mensahe ni Caleigh na lumalaban sa sakit na leukemia.
Tugon naman ni Jam, “Hi Caleigh! I just want you to know that you are my inspiration. You’re a very strong girl. Take good care of yourself, alright.”