Article Inside Page
Showbiz News
Tulad ng ibang young stars, may iniidolo rin si Barbie pagdating sa pangangalaga ng figure.
By CHERRY SUN
Excited na excited si Barbie Forteza na umattend sa concert ni Taylor Swift noong nakaraang Biyernes. Maliban kasi sa nakaka-relate siya sa songs nito, siya rin ang kanyang "fitspiration."
As a certified Swiftie, laging nakikinig si Barbie sa songs ng kanyang Grammy award-winning idol.
“Magaganda talaga yung kanta niya. Kaya maraming nakaka-relate na teenagers kasi nga galing talaga sa puso. Kumbaga based from her experiences talaga, alam naman ng lahat yun. At tsaka, ang ganda-ganda niya sobra,” kuwento nito.
Aside from that, hangang-hanga din si Barbie mula sa pananamit, performance, confidence level at lalo na sa physique ni Taylor Swift.
“Inspirasyon ko siya sa pagiging payat. Tinitingnan ko lang yung picture niya tapos hindi na ako kakain,” Barbie referred to the singer.
Aware ang The Half Sisters actress na as a celebrity, dapat ay alagaan niya ang kanyang look.
“Ako kasi artista so kailangan talaga, kailangan role model ka, kailangan okay itsura mo. Yung katawan mo dapat presentable, pleasing yung itsura mo,” sabi niya.
Inamin din ni Barbie na hindi ganun kadaling gawin ito, “Sobrang lakas ko kumain. Nung dati, nung hindi pa ako nagsimulang mag-taping for The Half Sisters, lagi naman ako nag-gi-gym. Eh ngayon since medyo matitigil ko muna yung pagwo-work out kasi medyo busy na rin, eh talagang strict na lang yung diet ko para ma-maintain, para tuluy-tuloy pa rin yung goal ko na makapagbawas.”
Ano naman kaya ang kanyang ginagawa to achieve a Taylor Swift body?
“Magti-three months na akong hindi nagka-carbs. Siguro ang carbs ko yung mga desserts, mga pastries like yung mga spanish bread, toasted siopao. Yun lang, pero yung rice [hindi]”, aniya.
“Pero syempre kasi masisiraan ka talaga ng bait kung all the way na strict ka sa diet mo. So 'di naman masama kung paminsan minsan, pero paminsan minsan lang, yung pagchi-cheat day mo, at 'di pa rin marami. Kumbaga you can eat fatty food pero small amounts lang para hindi rin nakaka-guilty,” dagdag ni Barbie.
Kabilang si Barbie Forteza sa ilang celebrity sightings sa RED Concert Tour ni Taylor Swift. Tinatayang umabot sa 11,000 ang fellow Swifties ni Barbie na dumalo sa nasabing concert.
Ang RED Concert Tour ay ang second performance ni Taylor Swift dito since her concert in 2011.