Article Inside Page
Showbiz News
Kakatapos lang ng GMA Telebabad series na
Anna Karenina, kaya naman nag-decide si Hiro Peralta na mag-focus on business first. When his next project comes along, gusto daw niya makapartner ang biggest crush niya. Sino kaya ang pretty actress na ito?

Kakatapos lang ng GMA Telebabad series na
Anna Karenina, kaya naman nag-decide si Hiro Peralta na mag-focus on business first. When his next project comes along, gusto daw niya makapartner ang biggest crush niya. Sino kaya ang pretty actress na ito?
Nakakuwentuhan ng GMANetwork.com si Hiro, at nabanggit niya na kasalukuyan siyang tumutulong sa family business nila.
Aniya, “I’m focusing on my business right now. Opening na on October 13. It’s an Admission Testing Center. Actually, marami na ‘yun pero ito ‘yung mag-oopen pa lang kaya nakafocus ako dito.”
Sabi niya, mainam na may iba pa siyang pinagkakaabalahan bukod sa showbiz, para may career pa rin siya in the long run. What exactly does he do in his business?
“Right now, ako ‘yung nagmamanage. Instead of slacking off, ‘yun na lang. Bata pa lang ako, business na talaga ginagawa ng parents ko, ng lolo ko at lola ko, my uncles, kaya ‘yun, nasa family and blood na, kaya madali na lang,” wika niya.
Kasalukuyang napapanood si Hiro sa
Walang Tulugan, pero gusto rin niya magkaroon ng soap ulit. Gusto niya daw maka-loveteam ang kanyang biggest crush sa showbiz.
Pag-amin ni Hiro, “I have a crush on Kim Rodriguez. I’ve had a crush on her since
Tween Hearts pa, kasi ‘di ba, magka-loveteam kami ‘dun.”
Anu-ano kaya ang mga nagsutuhan niyang qualities kay Kim?
“She’s exotic, and adventurous siya. For a guy, dapat extreme ‘yung level ng bonding niyo, na alam mo dapat kung paano sumunod sa kanya. At saka caring siya, ha,” ani Hiro.
Anong klaseng teleserye ang nae-envision niya para sa kanila ni Kim, kung siya ang papipiliin?
“If given the chance, medyo parang
The Vow, something like that, or ‘yung parang
Ruby Sparks,” sagot niya.
“There’s this guy, he’s really hopelessly romantic. Wala siyang lovelife pero he is successful with his life. He’s a best-selling novelist in the story. One day, nag type siya ng story about a girl, he gave details about the girl, kung anong personality niya. The next day, may
Ruby Sparks na sa tabi niya and he fell in love. Gusto ko ganun,” pagpapaliwanag niya.
For more updates on Hiro Peralta and your favorite Kapuso stars and shows, just log on to
www.gmanetwork.com. -
Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com