Marami ngayon ang relate at hindi pa nakaka-move on sa Valentine's Day ad campaign ng Jollibee simula nang i-release ito online ng fast food giant kamakailan.
Isa sa mga video ay tinatampukan ng Kapuso actress na si Ashley Ortega na may title na "Crush."
Pero maraming netizen ang nagtatanong ngayon at interesado kung sino ang lalaking katambal ni Ash sa nasabing commercial.
Siya ay si Adam Rodrigo, isa sa mga talent under Mercator Artist and Model Management. Inc. Ipinakilala siya ng batikang beauty queen maker na si Jonas Gaffud via his Instagram post.
Papasok kaya ng showbiz si Adam?