GMA Logo Viral live seller Miss Nofez face reveal
What's Hot

Viral 'manekin' live seller na si Miss Nofez, ipinakita na ang kaniyang mukha na matagal itinago!

By Kristian Eric Javier
Published July 17, 2025 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Viral live seller Miss Nofez face reveal


Makikilala na ang misteryosong live seller na si Miss Nofez sa 'Unang Hirit.'

Kinaaliwan ang isang online seller sa TikTok na si Miss Nofez dahil sa ginagawa niyang pagla-live selling nang nakabihis ng body mask na mistulang mukhang mannequin.

Sa panayam nina Shuvee Etrata at Shaira Diaz kay Miss Nofez, o Jade Velasco sa Unang Hirit ngayong Huwebes, July 17, inamin niyang likas siyang mahiyain kaya kailangan ay hindi kita ang kaniyang mukha. Dagdag pa nito, tuwing nagsasalita siya ay nanginginig ang kaniyang mga labi dahil sa kaba, kaya kailangan niyang itago ito.

Ang gamit umano ni Miss Nofez para itago ang kaniyang sarili, isang full body mask. Paglilinaw naman ng viral live seller ay nakakahinga pa naman siya sa ilalim nito.

Nang tanungin naman siya ni Shuvee kung nakatulong ang gimik niyang hindi pagpapakita ng mukha, ang sagot ni Miss Nofez, "Yes na yes po. Talagang okay po 'yung strategy na mannequin."

At dahil nakatago ang mukha, hindi maiwasan ng netizens na maintriga kung ano nga ba ang itsura ni Miss Nofez sa ilalim ng kaniyang maskara. Kaya naman, bilang regalo sa kaniyang mga buyers, at followers ay ipinakita na ng viral online seller ang mukha sa ilalim ng maskara sa Unang Hirit.

KILALANIN ANG ILAN SA MGA CELEBRITY LIVE SELLERS SA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi ni Jade, bukod sa pagla-live selling ay third year college student na rin siya ngayon, at may isa pang negosyo na nagbebenta naman ng wedding gowns.

Pag-amin ni Jade, nagulat siya sa magandang reaksyon at madaming views na natanggap siya sa unang pagkakataon na nag-live selling siya.

"Sobrang natuwa ako, tapos tinuloy-tuloy ko na lang," sabi ni Jade.

Naging malaking tulong din umano ang ginawa niyang pagtatago ng mukha para tumaas ang confidence sa pagla-live selling.

Sa huli ay pinasalamatan ni Jade ang lahat ng sumuporta at nag nag-check out sa kaniyang online selling.

Panoorin ang panayam kay Miss Nofez dito: