
Kahit busy sa pagte-taping para sa primetime series na Kambal, Karibal, tuloy pa rin ang paglilingkod ni Alfred Vargas sa fifth district ng Quezon City bilang congressman.
“Honestly missed my office. Been here since 10am to do some preliminary legislative work on some of my priority measures for 2018 while Congress is on recess," ani Alfred sa kanyang Instagram post.
Sa Instagram post na ito, napansin tuloy ng Encantadia director na si Mark Reyes na kailangan na nitong i-renovate ang kanyang office.
Tinugunan naman ito ni Alfred at nagpapatulong pa sa direktor kung paano niya mapapaganda ang kanyang workplace ngayong 2018.
Bukod pa rito, target din niya ngayong taon ang pagbabawas ng timbang.