Article Inside Page
Showbiz News
How does Mymy feel that her director in 'Dading' is no less than her brother Ricky Davao?
By AL KENDRICK NOGUERA

Ayon kay Mymy Davao, never pa silang nagkatrabaho sa isang soap ng kapatid na si Direk Ricky Davao. Kaya nang malaman niya na ang kuya niya ang direktor ng Dading, muntikan na raw siyang umatras.
Ani Mymy, sobrang pasasalamat niya raw na kasama siya sa isang soap na sa tingin ng lahat ay maghi-hit. Hindi kasi ito pangkaraniwang show dahil sinasalamin nito ang buhay ng tinatawag nating gay people.
“We're all really thankful and we're all really feel blessed,” pahayag ni Mymy.
Pero ayon kay Mymy, kahit na nagandahan siya sa istorya ng Dading, nagdalawang-isip pa rin daw siyang tanggapin ang project dahil sa kanilang direktor.
Ikinuwento sa amin ni Mymy noong nasorpresa siya nang malaman niya na ang kapatid ang magdidirek sa kanila. Story conference daw ito nangyari noong unang nagsama-sama ang cast and production staff ng Dading.
“Actually alam ni Miss Major Garcia [Executive Producer] 'yan noong story con. Tinanong ko, who is our director? I have no idea. Tapos sabi nila, ay Miss My baka hindi mo pa siya nakakatrabaho. Ah sino po? Bagong direktor? Si Direk Ricky Davao. Sabi ko, joke,” saad ni Mymy.
Dagdag pa niya, “Akala ko joke talaga kaya’t hindi ako naniwala. Tapos biglang parang gusto ko nang umuwi at sabihin sa manager ko na ayaw ko nang tanggapin.”
Ayon kay Mymy, minsan na silang nagsama ng kuya niya pero hindi sa isang full-length na teleserye. Aniya, “Grabe nakakatakot. Siyempre kapatid mo ‘yung direktor mo tapos kuya mo pa.”
Bakit ayaw ni Mymy na maging direktor ang kapatid? “Siyempre kilala niya ako eh. Pinapagalitan niya ako, pinagsasabihan niya ako. But it's nice kasi kapag on the set, direktor ko siya at artista niya ako. Walang emosyon na, hoy, kuya mo ko! Walang ganoon,” sagot niya.
“But I'm honored, really. He doesn't know this pero ngayon sinasabi ko sa lahat ng tao na it's really an honor na mai-direk ka ng kapatid mo,” pagtatapos ni Mymy.