
Kahit na ito ang unang beses na nakatrabaho niya halos lahat ng cast sa Royal Blood, kapansin-pansin ang closeness at pagiging komportable ni Lianne Valentin sa co-stars nito.
Ayon sa aktres, sobrang nae-enjoy niya ang taping para sa Royal Blood. Hindi rin daw niya nararamdaman na "baguhan" siya o isang "newcomer" dahil ramdam niya ang tiwala sa kanya ng lahat.
Sa Instagram, ibinahagi ni Lianne ang ilang kulitan moments kasama ang cast ng Royal Blood. Sa kanyang recent post, ikinuwento ni Lianne na bukod sa pagtutulungan nila sa mga eksena ay nagtutulungan din ang lahat para maging masaya sa taping.
"Sobrang nag-eenjoy ako sa taping namin for 'Royal Blood' because we have such an awesome cast, production team, and crew. Kahit na pagod sa taping, we just try to find ways to cheer each other on pag-antok na kami," sulat ni Lianne.
Sa isa pang post, makikita ang behind-the-scene ng isang TikTok content niya na kuha naman ni Megan Young. Hindi kaagad naging matagumpay ang unang subok nila sa trend ngayon na "fit check" gamit ang kantang "Killing Me Softly" nang mapasama rin sa video si Mikael Daez at nauwi sa tawanan.
"Minsan na nga lang tumulong, fail pa talaga si beshy. Galit na galit tuloy si Direktor Bonez. Na-royal high blood siya," pagbabahagi ni Mikael.
Samantala, looking forward naman si Lianne sa iba pang mga eksena kasama ang mga kapatid sa Royal Blood na na sina Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Napoy (Dingdong Dantes).
"I look forward to every scene na kasama sila kasi I know it's gonna be like so fun, na after every scene magkakatinginan na lang kaming lahat, 'That was fun. That was nice.' Tapos siguro 'yung mga asaran namin ni Margaret," sabi ni Lianne.
Patuloy na subaybayan si Lianne bilang Beatrice sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NI LIANNE VALENTIN SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: