GMA Logo Wicked in Law GMA
What's Hot

'Wicked-in-Law,' mapanonood na ngayong gabi!

By Karen Juliane Crucillo
Published September 8, 2025 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Wicked in Law GMA


Huwag palampasin ang maiinit na eksena sa Thai drama series na 'Wicked-in-Law,' mamayang 11:30 p.m. sa GMA!

Mapapanood na muli tuwing gabi ang pinaka inaabangang Thai drama series na Wicked-in-Law.

Pagbibidahan ang family drama ng Thai stars na sina Nychaa Nuttanicha Dungwattanawanich, Pon Nawasch Phupantachsee, at Noi Butsakorn Wongpuapan na gaganap bilang Trinity, Nikolai, at Mabelle. Makakasama rin nila si Ice Athichanan Srisevok bilang Dahlia.



Magsisimula ang exciting na bangayan nang maghangad si Trinity ng paghihiganti para sa kaniyang kapatid na si Dahlia, na pumanaw matapos pakasalan si Nikolai.

Natuklasan niya na sina Mabelle, biyenan ni Nikolai, at ang hipag nitong si Nicole, ang siyang nang-api sa kaniyang kapatid. Dahil dito, papakasalan ni Trinity si Nikolai upang mabunyag ang tunay na pagkatao ni Mabelle.

Ano pa nga ba ang mga sikretong mabubunyag ni Trinity sa pamilya nina Nikolai at Mabelle? Mauuwi nga ba ang kasalan nila sa tunay na pagmamahalan?

Abangan ang Wicked-in-Law, Lunes hanggang Sabado, 11:30 p.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin dito ang cast ng Wicked-in-Law: