
Isa ang karakter ni Lito Pimentel sa mga pinag-uusapan ng viewers ng hit murder mystery drama na Widows' War.
Napapanood siya sa serye bilang si Amando, ang katiwala ng mga Palacios na umiibig kay Aurora, ang role ni Jean Garcia.
Sa bagong poll na inilabas ng GMA Network sa social media, muling hinulaan ng viewers kung sino ang mastermind ng mga patayan sa Widows' War.
Si Amando ang nakakuha ng pinakamaraming boto, at ang ibig sabihin nito ay siya ang itinuturo ng marami bilang utak ng mga krimen.
Sunod naman na nakakuha ng mataas na boto ay ang karakter ni Royce Cabrera na si Jericho.
Pangatlo naman sa listahan ng mayroong maraming boto na pinaghihinalaan bilang mastermind ay sina Rico (Rikki Mae Davao) at Cairo (Kiel Rodriguez) na mga bodyguard ng Palacios family.
Isa nga ba sa kanila ang mastermind ng mga krimen?
Sa mga naunang episodes nito, natunghayan ang misteryosong pagkamatay nina Paco (Rafael Rosell), Basil (Benjamin Alves), Beverly (Bianca Manalo), Peter (Brent Valdez), Francis (Jeric Gonzales), Atty. Inigo (Mike Tan), at iba pa.
Huwag palampasin ang mga rebelasyon sa huling linggo ng pinag-uusapang murder mystery drama.
Mapapanood ang Widows' War mula Martes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.