GMA Logo Mike Tan in Widows War
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Widows' War: Atty. Iñigo, naghihiganti sa mga Palacios?

By EJ Chua
Published November 7, 2024 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Artemis astronauts more than halfway to Moon, putting Earth in rearview
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Mike Tan in Widows War


May kanya-kanyang teorya ang Widows' War viewers tungkol sa karakter ni Mike Tan.

Ang karakter ni Mike Tan ang isa sa mga pinag-uusapan ngayon sa murder mystery drama na Widows' War.

Una siyang nakilala bilang si Atty. Iñigo, ang mabait na kaibigan at nakarelasyon noon ni Basil Palacios, ang karakter ni Benjamin Alves.

Sa previous episodes ng serye, nabunyag na nagpapanggap lang pala siya at iba ang tunay niyang pangalan.

Ang tunay niyang pangalan ay Antonio Beringguela, anak ni Jose Beringguela na ipinakulong noon ng magkapatid na Palacios na sina Aurora (Jean Garcia) at Galvan (Tonton Gutierrez).

Sa social media, mababasa ang iba't ibang teorya ng viewers tungkol kay Atty. Iñigo.

Narito ang ilang komento ng mga manonood:

Siya na nga ba ang mastermind sa mga nangyaring pagpatay sa Palacios' Estate?

Samantala, bukod sa mga nabanggit na karakter, napapanood din sa serye ang A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Ano pa kaya ang susunod na rebelasyon sa serye?

Patuloy na tumutok sa Widows' War, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.