
Ilang tulog na lang at mapapanood na sa GMA ang makapanindig-balahibong murder mystery drama series na Widows' War.
Masasaksihan na ng mga Kapuso ang madilim na kuwento ng mga karakter nina George at Sam na gagampanan nina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Kamakailan lang, ginanap ang kanilang kakaibang media launch kung saan ipinakilala ang kanilang drama series sa press na may mystery game.
Ipinakilala rin nila ang iba pang stars na tampok sa series kabilang sina Jean Garcia, Juancho Trivino, Tonton Gutierrez, Benjamin Alves, at Rafael Rosell.
Sa kanilang panayam kasama si Nelson Canlas para sa 24 Oras, excitied ibinahagi ng Widows' War cast ang mga dapat abangan sa serye.
Para kay Bea Alonzo, tiyak daw magugustuhan ng viewers ang mga cinematic shots na idinerehe ni Direk Zig Dulay.
Aniya, "Most of our locations medyo malayo, La Union, Bataan, Batangas."
Kakaibang role naman ang makikita ng fans kay Carla Abellana dahil mas intense at challenging ang kaniyang karakter sa serye.
"Ang laki ng kailangang energy para ma-portray ng mabuti si George so napaka-challenging. Pero gusto ko 'yun kasi at least very different from what I had played before," pahayg niya.
Excited din ang Kapuso actress na si Jean Garcia na mapanood ng viewers ang mas intense niyang role sa programa.
"I've done many characters na halos the same. Kontrabida, mayaman, marami na akong ginawa, eh. Ito siguro mas intense siya," sabi ni Jean.
Ang Widows' War ay spin-off ng dalawang GMA mystery drama series na Widows' Web at Royal Blood.
Ang Kapuso actor na si James Graham, gagampanan niya ulit sa programa ang kaniyang Royales karakter mula sa Royal Blood.
Excited niyang ikinuwento, "'Yung intensity po ng character ko ngayon is different na po from Royal Blood."
Mapapanood na sa GMA Prime ang kaabang-abang na murder mystery drama series na Widows' War simula ngayong July 1.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG LARAWAN NINA BEA AT CARLA AS BLACK BRIDES SA IBABA: