
Hook na hook na ang Pinoy viewers sa 2024 murder mystery drama na Widows' War.
Kamakailan lang, umabot na sa 200 million views ang videos tungkol sa serye na nasa social media.
Ito ay isa sa mga patunay na marami ang nakasubaybay sa bawat eksena, istorya, at mga aktor na napapanood dito.
Ang Widows' War ay pinagbibidahan ng bigating Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Bukod sa patuloy na pagtangkilik ng viewers sa serye, bumubuhos din ang positive comments at reactions nila sa bawat eksenang natutunghayan nila rito.
Kabilang sa mga talaga namang pinag-usapan ay ang bonding moments nina Sam (Bea Alonzo) at George (Carla Abellana) noong sila ay mag best friends pa.
Kinakiligan naman ng marami ang pag-iibigan nina Sam at Paco Palacios (Rafael Rosell).
Umani rin ng papuri mula sa viewers ang mga natunghayan sa pilot week ng serye.
Mapapanood ang pinag-uusapang murder mystery drama tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.