
Nito lamang Biyernes, February 23, 2024, nagsimula na ang taping para sa bagong seryeng handog ng GMA-7.
Ito ang Widows' War, ang panibagong murder mystery drama series na mapapanood ngayong taon sa Kapuso Network.
Present sa unang araw ng taping ang dalawang lead stars nito na sina Carla Abellana at Bea Alonzo.
Nakunan na ng production team ng serye ang ilang mga eksena na magkasama ang Kapuso actresses.
Bukod kina Carla at Bea, nasimulan na rin ang pagkuha sa mga eksena ng iba pa nilang co-stars.
Kabilang sa mga ito ang eksenang dapat abangan sa mga karakter ng seasoned actresses na sina Jackie Lou Blanco at Timmy Cruz.
Nagsimula na rin mag-taping sina Jeric Gonzales, Matthew Uy, at iba pang kabilang sa serye.
Matatandaang nito lamang January 23, idinaos ang story conference at script reading para sa upcoming series.
Abangan ang pinakabagong murder mystery series ngayong taon sa GMA Prime.