GMA Logo Rikki Mae Davao, Kiel Rodriguez, Lovely Rivero, Widows War
What's on TV

Widows' War: Palacios killers, ipinakilala na

By EJ Chua
Published January 16, 2025 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Rikki Mae Davao, Kiel Rodriguez, Lovely Rivero, Widows War


Sina Rico (Rikki Mae Davao), Cairo (Kiel Rodriguez), at Vivian (Lovely Rivero) ba ang pinaghinalaan n'yo noon na killers sa 'Widows' War'?

Sunud-sunod na rebelasyon at matitinding mga eksena ang natunghayan sa hit murder mystery drama na Widows' War.

Ipinakilala na nitong Huwebes, January 15, ang mga kasabwat ng mastermind na si Jerico Palacios, ang karakter ni Royce Cabrera sa serye.

Bumungad sa viewers ang katotohanan na sina Rico (Rikki Mae Davao) at Cairo (Kiel Rodriguez) ay mga tauhan pala ni Jerico.

Kilala sina Rico at Cairo bilang mapagkakatiwalaang mga bodyguard ng pamilya Palacios.

Bukod sa kanila, nabunyag din na isa rin sa killers si Vivian, ang karakter ni Lovely Rivero sa murder mystery drama.

Si Vivian ay ang lover ni Galvan Palacios (Tonton Gutierrez) at ina ni Sofia (Charlie Fleming).

Karamihan sa viewers ay talagang nabigla nung ipinakilala na ang Palacios killers sa serye at 'yun nga ay sina Rico, Cairo, at Vivian.

Samantala, kaabang-abang kung ano pa ang mga mangyayari sa huling dalawang gabi ng serye.

Sino kaya ang babawian ng buhay?

Sino naman ang matitirang buhay?

Nakuha na ba si Jerico ang inaasam niyang hustisya laban sa mga Palacios?

Huwag palampasin ang mga kaganapan sa last 2 nights ng pinag-uusapang murder mystery drama.

Mapapanood ang Widows' War mula ngayong Huwebes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.