GMA Logo Royce Cabrera, Widows War
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Widows' War: Si Jerico Palacios ang mastermind

By EJ Chua
Published January 16, 2025 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, patay sa bugbog ng ex-bf ng kaniyang kinakasama
Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera, Widows War


Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkabunyag sa tunay na pagkatao ni Jerico at kung ano ang dahilan ng kanyang paghihiganti sa mga Palacios.

The wait is over, dahil ipinakilala na kung sino ang tunay na mastermind ng mga patayan sa Widows' War.

Sa episode na ipinalabas nitong Huwebes, January 15, labis na ikinagulat ng mga manonood ang revelation tungkol sa isa sa mga karakter sa serye.

Inilahad na rito na ang karakter ni Royce Cabrera na si Jerico Palacios pala ang utak ng mga krimen.

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkabunyag sa tunay na pagkatao ni Jerico at kung ano ang dahilan ng kanyang paghihiganti sa mga Palacios.

Narito ang ilang reaksyon ng viewers at fans ng serye tungkol kay Jerico:

Sa inilabas na poll ng GMANetwork.com bago ang rebelasyon, si Amando (Lito Pimentel) ang nangunguna sa mga itinuturo ng viewers na mastermind.

Natunghayan sa mga naunang episodes ang misteryosong pagkamatay ng ilang mga karakter sa serye.

Kabilang sa mga pinatay ay sina Paco (Rafael Rosell), Basil (Benjamin Alves), Beverly (Bianca Manalo), Peter (Brent Valdez), Francis (Jeric Gonzales), Atty. Inigo (Mike Tan), at iba pa.

Huwag palampasin ang mga kaganapan at rebelasyon sa huling dalawang gabi ng pinag-uusapang murder mystery drama.

Mapapanood ang Widows' War mula ngayong Huwebes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.