
Sa bagong poll na inilabas ng GMANetwork.com para sa murder mystery drama na Widows' War, muling naiparating ng viewers ang kani-kanilang mga hula tungkol sa isa na namang killer.
Game na game silang bumoto kung sino sa tingin nila ang tunay na pumatay kay Basil Palacios, ang karakter ni Benjamin Alves sa serye.
Base sa naging resulta ng poll noong August 5, nakakuha ng pinakamataas na boto si George, ang role ni Carla Abellana.
Si George ay ang mismong asawa ni Basil.
Ang household staff naman na si Jericho (Royce Cabrera) ang pumangalawa sa nakakuha ng mataas na boto.
Sunod naman na nakakuha ng mataas na boto ay ang nanay ni Sam (Bea Alonzo) na si Mercy, ang karakter ni Timmy Cruz.
Ang may pinakamababang boto naman ay si Galvan (Tonton Gutierrez), ang ama ni Basil.
Sino kaya ang tunay na pumatay kay Basil?
Abangan ang susunod na mga tagpo sa pinag-uusapan ngayong murder mystery drama series.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.