GMA Logo HIllary Suarez
What's on TV

Widows' Web: Ang rebelasyon tungkol kay Hillary Suarez | Week 8

By Dianne Mariano
Published April 18, 2022 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

HIllary Suarez


Nagulat si Hillary (Vaness del Moral) nang malaman nito sa kanyang ob-gyn na siya pala ay nagdadalang tao.

Sa ikapitong linggo ng Widows' Web, pinuntahan ng awtoridad si Jed (Anjay Anson) sa pamamahay ng mga Sagrado matapos nilang malaman na sangkot ito sa pagkamatay ni George (Mike Agassi).

Matapos makalaya ni Jed, masayang nagka-ayos na sila ng kanyang ina na si Barbara (Carmina Villarroel). Nalaman naman ni Jed na ang kanyang kaibigan na si Nikki (Vanessa Pena) ang nagsumbong kay Hillary (Vaness del Moral) tungkol sa pagbabanta niya sa buhay ni George.

Matapos makaramdam ng pananakit sa katawan, nagulat si Hillary nang sabihin ng kanyang ob-gyn na siya ay nagdadalang tao. Dahil dito, natakot rin siya sa maaaring maging reaksyon ng kanyang asawa na si William (Bernard Palanca).

Inamin naman ni Jackie (Ashley Ortega) kay Elaine (Pauline Mendoza) na si Vladimir (Adrian Alandy) ang itinitibok ng kanyang puso kahit nakuha pa ng una ang lahat kay Xander (Ryan Eigenmann).

Para maitago ang kanyang pagbubuntis, nais ni Hillary na sumailalim sa aborsyon. Sa pag-uusap naman nina Vladimir at Elaine sa ginanap na auction, malakas ang kutob ng una na mayroong kinalaman si William sa pagkamatay ni Xander.

Samantala, handang gumastos ng malaking pera si Hillary upang makuha ang painting sa kuwarto ni Xander na naglalaman ng isang sikreto.

Huwag palampasin ang mga maiinit na tagpo sa huling dalawang linggo ng Widows' Web, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Balikan ang mga eksena ng Widows' Web dito.

Widows' Web: Barbara and Jed's happy reconciliation | Episode 31

Widows' Web: Hillary's biggest revelation | Episode 32

Widows' Web: Ang piping saksi sa pagtataksil nina AS3 at Hillary | Episode 33

Samantala, silipin ang behind-the-scenes ng lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.