GMA Logo Widows' Web
What's on TV

'Widows' Web' pilot episode, pinuri ng netizens

By Aimee Anoc
Published March 1, 2022 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man nabbed for illegal sale of firecrackers in Davao City
Man nabbed for illegal sale of firecrackers in Davao City
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Widows' Web


Agad na nag-trend sa Twitter Philippines ang pilot episode ng 'Widows' Web' noong Lunes, February 28.

Naging mainit ang pagtanggap ng netizens sa pilot episode ng GMA primetime series na Widows' Web, na agad na nag-trend sa Twitter Philippines kahapon, February 28.

Sa unang episode ng serye, napanood ang ginawang pagligtas nina Frank (EA Guzman) at Elaine (Pauline Mendoza) kay Xander (Ryan Eigenmann) mula sa mga taong bumugbog dito. Sa kabila ng kabutihang ipinakita, pangmamaliit lamang ang natanggap ni Frank mula sa kapatid ni Xander na si Barbara (Carmina Villarroel).

Naipakita rin kung paano nabuo ang relasyon nina Frank at Elaine, maging ang pamumuhay ng pamilya Sagrado at ang pinagmulan ni Jackie (Ashley Ortega).

Kaabang-abang naman ang huling mga tagpo kung saan ipinasilip ang ginawang pagbaril kay Xander.

Umani ng papuri mula sa mga manonood ang mahusay na pagganap ng mga tauhan nito, maging ang kapanapanabik na mga eksena.

Subaybayan ang kuwento ng Widows' Web, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m pagkatapos ng First Lady sa GMA Telebabad.

Samantala, mas kilalanin pa si Ashley Ortega sa gallery na ito: