GMA Logo Wilbert Ross, Bea Binene
Source: itswilbertross (IG)
What's on TV

Wilbert Ross, napaamin sa totoong relasyon nila ni Bea Binene

By Kristian Eric Javier
Published August 12, 2026 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA: Waste management remains a major challenge in Metro Manila
Davao woman slams cop over 'sexist remarks' during arrest
Reality check: the cost of childbirth in PH today

Article Inside Page


Showbiz News

Wilbert Ross, Bea Binene


Wilbert Ross, napaamin sa totoong relasyon nila ni Bea Binene

Kitang-kita ang pagiging malapit ngayon ng singer-actor na si Wilbert Ross at ng dating StarStruck Kids finalist na si Bea Binene. Kaya naman, napapatanong ang mga netizens kung ano na nga ba ang relasyon nilang dalawa ngayon?

Sa Fast Talk with Boy Abunda itong Martes, August 11, sinabi ni Wilbert na partner na niya ngayong ang aktres.

“Si Bea ngayon, partner ko siya sa madaming bagay ngayon, like we have a business together, Sunset Avenue, may series kami ngayon, Love You Lots, showing on Viva One, meron din kaming movie na gagawin, Pee Mak, Philippine adaptation,” sabi ni Wilbert.

Ngunit paglilinaw na tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “Partners ba kayo sa buhay?”

Sagot naman ni Wilbert na lagi lang silang magkasama ngayon ni Bea sa kanilang business at sa trabaho. Sinabi rin ng singer-actor na hindi pa klaro ang pangalan ng babaeng nakasulat sa kaniyang puso.

Pero nang tanungin siya ng batikang host kung in love, ang sagot ni Wilbert, “Yes, Tito Boy.”

Unang naghatid ng kilig sina Wilbert at Bea noong 2024 nang mabuo ang kanilang love team para sa online series na Chasing in the Wild. Sa media con ng kanilang series, pabirong tinanong ng media ang aktres kung kumusta na ang kanilang relasyon.

“Wala naman po,” ang naging sagot noon ni Bea.

Pag-amin ng aktres, iyon pa lang din ang unang pagkakataon na nagkatrabaho sila ni Wilbert.

Ipinaliwanag din ni Bea na hindi naman kailangang maging totohanan ang isang on-screen na tambalan.

“Ako po, para sa akin, basta sa isang love team naman, hindi naman necessarily kailangan na maging kayo in real life. What's important is maayos kayong nagtratrabaho, maayos yung working relationship ninyo. After all, we all have lives outside our work,” sabi ng aktres.

TINGNAN ANG YOUTHFUL BEAUTY NI BEA BINENE SA GALLERY NA ITO: