GMA Logo boy abunda and wilbert ross
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Wilbert Ross, tagumpay na nalampasan ang mga pumipigil sa kaniyang karera

By Kristian Eric Javier
Published August 12, 2026 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gov't assessing locations for waste-to-energy facilities —Marcos
Albert Ian Delos Santos bags 3 gold medals at Asian Youth & Junior Weightlifting championships
Endangered turtle spotted laying eggs in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

boy abunda and wilbert ross


Muntik nang hindi marating ni Wilbert Ross ang ika-10 anibersaryo sa industriya dahil lang sa isang tao. Alamin dito ang kuwento:

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng singer-actor na si Wilbert Ross ang ika-10 anibersaryo niya sa show business sa pamamagitan ng kaniyang matagumpay na WRten by concert.

Ngunit daw naging madali ang kanyang showbiz journey. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 11, isiniwalat niyang may isang taong pilit na pinipigilan ang pag-angat niya sa industriya.

“May parang isa sa mga taong ayaw ako sa isang show ko before,” sabi ni Wilbert.

Pagbabahagi ni King of Talk Boy Abunda, na pinakaunang talent manager ni Wilbert noon, nagkaroon pa raw ng pagkakataon na lumapit ang singer-actor sa kaniya dahil hindi na umano nito alam kung saan ito pupunta.

Pagbabahagi ni Wilbert, “Parang bina-block niya po lahat ng opportunity. Parang minsan sa Showtime, kasi sumasayaw po ako, nasa harap ako, biglang lilipat sa likod, sa segments po parang pinapatanggal.”

May mga pagkakataon pa nga na kahit sa ibang programang kasama dapat siya, pinapalitan siya ng ibang kasamang miyembro noon sa dance group na Hashtags.

Bilang singer, may mga pagkakataon din umano na hindi siya pinapayagang mag-promote ng shows sa Showtime noon.

ALAMIN ANG KILLER RESPONSE NG CELEBRITIES SA KANILANG BASHERS SA GALLERY NA ITO:

Sa kabila ng mga pinagdaanan, nanatiling matatag si Wilbert at nagpatuloy sa kaniyang karera. Ang kaniyang sikreto? “Ginagalingan ko lang po.”

“I'm very careful na hindi ako ma-late, hindi ako magkamali kasi para hindi magkaroon ng rason na tanggalin ako. Alam ni Tito Boy 'yan, umiiyak ako lagi, 'Tito Boy, ang sama, ginaganto ako, ganito, ganiyan.' Si Tito Boy, 'Just do your thing,'” sabi ni Wilbert.

Sa pagbabahagi ni Wilbert, nasabi naman sa kaniya ng taong iyon kung bakit nito ayaw sa kaniya, at humingi na rin naman ito ng tawad.

“Napatawad ko naman po siya agad. Sabi ko, 'Okay na po yun, tapos na po yun,'” sabi ni Wilbert.