
Isang sexy romance film ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.
Mapapanood kasi dito ang Wild and Free na pinagbidahan nina Kapuso stars Derrick Monasterio at Sanya Lopez.
Gaganap sila rito bilang ex-lovers na bibigyan ng second chance ang kanilang failed relationship.
Abangan ang Wild and Free sa January 24, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag din palampasin ang Dance of the Steel Bars na pinagbidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at co-directed ng yumaong award-winning Kapuso broadcast journalist na si Cesar Apolinario.
Inspired by the Cebu Dancing Inmates, kuwento ito ng dayuhang si Frank (Patrick Bergin) na maaakusahan ng murder at makukulong sa Cebu.
Makikilala niya sa kulungan si Allona (Joey Paras), isang transwoman na nagtuturo ng sayaw bilang ehersisyo ng mga preso, at si Mando (Dingdong Dantes), isang convicted murderer na itinatago ang hilig niya sa pagsasayaw para magmukhang macho.
Abangan ang Dance of the Steel Bars, January 21, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.