
Isang sexy romance film ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.
Mapapanood kasi dito ang Wild and Free na pinagbidahan nina Kapuso stars Derrick Monasterio at Sanya Lopez.
Gaganap sila rito bilang ex-lovers na bibigyan ng second chance ang kanilang failed relationship.
Abangan ang Wild and Free sa September 13, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Good vibes naman ang dala ng Instant Mommy, isang romantic comedy na pinagbidahan ni Eugene Domingo.
Tampok dito si Eugene bilang Bechayda, isang TV commercial wardrobe assistant na nagkukunwaring buntis sa takot na hiwalayan siya ng kanyang Japanese fiancé.
Ano'ng mangyayari kung magkabukuhan na?
Alamin 'yan sa Instant Mommy, September 14, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.