GMA Logo Ashley Sarmiento, Benjamin Alves
What's on TV

Wilfred at Amber, may cute bonding moments sa 'Akusada'

By EJ Chua
Published October 7, 2025 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pokémon cards sa tindahan, pinuntirya ng mga armadong kawatan sa US
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl
Arnie Teves, 2 others acquitted in 2019 murder case

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento, Benjamin Alves


Silipin ang bonding moments nina Wilfred (Benjamin Alves) at Amber (Ashley Sarmiento) sa set ng 'Akusada.'

Maraming viewers at netizens ang naaaliw sa cool at cute bonding moments nina Benjamin Alves at Ashley Sarmiento bilang mag-ama sa GMA series na Akusada.

Humahakot ng views sa video-sharing app na TikTok ang mga dance collab nina Benjamin at Ashley.

Mapapanood sa videos na naka-upload sa account ni Ashley ang kulitan nila habang sabay na sinusubukan ang ilang TikTok trend.

@ashleysarmiento__ #akusada @benxalves ♬ Don′t do That - Leellamarz & TOIL

Bukod dito, tila food trip buddies din ang dad and daughter kahit off-cam.

Sina Benjamin at Ashley ay kilala sa intense drama series bilang mag-ama na sina Wilfred at Amber, ang pamilya ni Joi (Max Collins).

Makalipas ang ilang panahon matapos pumanaw si Joi, sina Wilfred at Amber ay naging pamilya na ni Carolina “Carol” Astor, ang karakter ni Andrea Torres sa serye.

Sina Wilfred at Carol ay ang loving parents ni Lia, ang role naman ni Jourdanne Baldonido sa palabas.

Ilan pa sa co-stars nina Andrea Torres, Benjamin Alves, at Ashley Sarmiento sa serye ay sina Lianne Valentin, Marco Masa, Ronnie Liang, Ahron Villena, Arnold Reyes, Shyr Valdez, Jeniffer Maravilla, at marami pang iba.

Huwag palampasin ang susunod pang pasabog na mga eksena sa 2025 drama series na Akusada, weekdays, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.

Related Gallery: On the set of 'Akusada'