
Puno ng good vibes ang latest vlog ng Kapuso actress at Delivery Boi star na si Mika Salamanca kasama ang co-star na si Will Ashley.
Kumasa ang dalawa sa “Can't Say No” challenge kung saan hindi sila puwedeng humindi sa isa't isa. Sa isang guest appearance, ipinasuot din ni Will Ashley kay Mika Salamanca ang delivery uniform sa kanilang series na Delivery Boi, kung saan gumaganap ang aktor bilang Boi, na isang delivery rider.
Mapapanood din sa video na ipinakita ng aktres ang kanyang dance moves. Bukod dito, pumili din sina Will at Mika ng damit para sa isa't isa sa isang local clothing brand.
Ano pa kaya ang kanilang ginawa sa “Can't Say No” challenge? Panoorin ang vlog ni Mika Salamanca sa video sa ibaba.
Noong Oktubre, ipinagdiwang ni Mika ang kanyang kaarawan at nagbigay ng heartfelt message si Will para sa kanyang nililigawan.
READ: Will Ashley, nililigawan muli si Mika Salamanca
“I never knew home could be a person until I found you. I hope the world sees the goodness in your heart the same way my eyes see it in you," bahagi ng kanyang caption.
Subaybayan sina Will Ashley at Mika Salamanca sa Delivery Boi tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. Mapapanood ang exclusive 48-hour early access sa bawat episode ng Delivery Boi sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network.
I-download GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito GMANetwork.com/GMAPlay at sa Android TVs.
RELATED CONTENT: Meet the cast of the newest GMA Afternoon Prime series 'Delivery Boi'