GMA Logo Will Ashley and Xyriel Manabat
Courtesy: Clare Cabudil, willashley17 (IG), xyrielmanabat_(IG), EJ Chua
What's Hot

Will Ashley and Xyriel Manabat show off acting skills at 'The Big ColLove Fancon'

By EJ Chua
Published August 12, 2025 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley and Xyriel Manabat


Panoorin dito ang intense na aktingan nina Will Ashley at Xyriel Manabat sa 'The Big ColLove Fancon.'

Isa ang aktingan challenge sa mga pinag-usapan ng netizens at fans tungkol sa katatapos lang na The Big ColLove Fancon.

Sa mismong stage ng big event, sumabak sa acting ang former child stars at ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Will Ashley at Xyriel Manabat.

Isang scenario ang ibinigay sa kanila ng PBB host na si Bianca Gonzalez, kung saan game na game nilang ipinakita ang kanilang husay sa pag-arte.

Matapos ang aktingan, napasigaw ang audience sa intense na eksena at kahanga-hangang acting skills nina Will at Xyriel.

Panoorin ang pa-sample nila sa pag-arte dito:

Bago ito, inilahad ng former child stars na noon pa nila napag-uusapan na sana ay maging magkatrabaho sila sa isang teleserye.

Ayon kay Xyriel, “Topic po talaga naming 'yun ni Will kahit po paglabas ng Bahay ni Kuya. Sana talaga magka-work [kami].”

“So kung mayroon pong opportunity, siyempre po [gusto ko] and possible talaga and it would be a dream come true. Isang karangalan ang makatrabaho si Will Ashley,” pahabol pa ng Star Magic actress.

Samantala, si Will at ang final duo niya na si Ralph De Leon ang itinanghal na Second Big Placer Duo sa hit reality show.

Nakilala rito si Will bilang Mama's Dreambae ng Cavite, habang si Xyriel naman ay ang Golden Anaktres ng Rizal.

RELATED CONTENT: Will Ashley's transformation over the years