
Magtatambal ang Kapuso teen stars na sina Will Ashley at Althea Ablan sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sasamahan din sila ng isang cute na furry companion sa episode na pinamagatang "Pawfect Match."
Gaganap dito si Althea bilang Mia na galing sa breakup kaya gustong mag-alaga ng aso para matulungan siyang mag-move on.
Si Will naman ay si Alex, volunteer sa animal shelter na pupuntahan ni Mia.
Tutulungan ni Alex si Mia na mapalapit sa asong si Radar.
Kung si Radar na nga ang "pawfect" match niya, si Alex na rin kaya ang perfect match ni Mia?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Pawfect Match," October 13, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.