
Sina Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition star Will Ashley at Kapuso actress Althea Ablan ang bibida sa '90s-inspired episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Bibigyang-buhay nila ang nostalgic na kuwento ng episode na pinamagatang "The Poster Boy."
Si Althea ay si Janey, ulila na magkakaroon ng pagkakataon na bisitahin ang childhood room ng yumao niyang nanay.
Kapansin-pansin para sa kanya ang malaking poster ni Alvin--ang karakter ni Will--na bahagi ng pasikat na dance group pero sa kasamaang palad ay maagang namatay.
Laking gulat ni Janey nang biglang mabuhay si Alvin mula sa poster!
Ano ang pakay ni Alvin sa modernong mundo? Bakit kaya sila pinagtagpo ni Janey?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang "The Poster Boy," September 28, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.