
All-new episode ang handog ng award-winning children's fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko simula September 7.
Tampok sa bagong kuwento na "Hotel de Luma" ang paborito ninyo na Pinoy Big Brother ex-housemates na sina Will Ashley at AZ Martinez.
Ang "Hotel de Luma" ay sinulat ng episode writer na si Patrick Louie Ilagan at ang head writer naman ay si Agnes Gagelonia-Uligan.
Dinirehe naman ang new story ng Kapuso director na si Rico Gutierrez.
Mula nang makumpirma ang mga bida na sina Will at AZ sa Daig Kayo Ng Lola Ko ay ramdam na ang excitement ng fans para sa new project ng dalawa.
Makakasama rin nila sa "Hotel de Luma" sina Ashley Sarmiento, Muriel Lomadilla, Althea Ablan, at Chuckie Dreyfus.
Para sa iba pang updates sa Daig Kayo Ng Lola Ko "Hotel de Luma", follow GMANetwork.com!
RELATED CONTENT: Will Ashley's transformation over the years