
May nakakakilig na mga eksena sa concert ng Sparkle star na si Will Ashley.
Isa na rito ang performance ni Will, kung saan nakasama niya onstage ang Star Magic artist na si Bianca De Vera.
Kilig overload ang inihatid ng WillCa sa audience at kanilang fans na dumalo sa concert.
Samantala, mapapanood sina Will at Bianca sa Love You So Bad, ang isa sa official entries ngayong taon sa Metro Manila Film Festival o MMFF. Kasama rin nila rito bilang lead star ang Sparkle actor na si Dustin Yu.
Kabilang din sina Will at Bianca sa cast ng upcoming series na The Secrets of Hotel 88.
Sina Will at Bianca (WillCa) at Dustin at Bianca (DustBia) ang ilan sa love teams na nabuo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.