GMA Logo Will Ashley at Bianca De Vera
What's Hot

Will Ashley at Bianca De Vera, wagi bilang PBB duo na gustong maging love team ng fans

By EJ Chua
Published August 5, 2025 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Two high-speed trains derail in Spain, broadcaster reports 5 people killed
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley at Bianca De Vera


Silipin ang naging resulta ng GMANetwork.com poll tungkol sa PBB duos na nais maging love team ng fans.

Pinusuan ang Sparkle actor na si Will Ashley at Star Magic artist na si Bianca De Vera sa isang poll na inilabas ng GMANetwork.com.

Sa naturang poll, nagkaroon ng chance ang netizens na pumili kung sino sa pairings sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang gusto nilang maging love team o magtambal sa isang TV series.

Kabilang sa choices nito sina Will at Bianca na minsang naging duo noon sa Bahay Ni Kuya at tinatawag ng marami bilang WillCa.

Base sa final result ng poll, ang WillCa ang nakakuha ng pinakamaraming boto mula sa netizens at fans with 55.6% total votes.

Kasunod naman ng WillCa ang DusBi, ang duo nina Dustin at Bianca, na nakakuha ng 41.6%.

Silipin ang resulta ng poll dito:

Samantala, matatandaang naging co-stars na noon sina Will Ashley at Bianca De Vera sa GMA at ABS-CBN's collaboration project na pinamagatang Unbreak My Heart.

Nakilala sila sa hit series na ito bilang sina Jerry at Gwen.

Related gallery: These ex-PBB Celebrity Collab Edition housemates are friendship goals