
Diretsong sinagot nina Dustin Yu at Will Ashley ang isang tanong na natanggap nila sa kalagitnaan ng Sparkle x PBB Grand Mediacon na may kaugnayan kay Bianca De Vera.
Isa sa members ng press ang nagtanong kung payag ba sina Dustin at Will na maging magkatrabaho sa isang proyekto kasama ang naging housemate nila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na parehas isini-ship sa kanila na si Bianca.
Ayon kay Dustin, tila hindi ito isyu para sa kanya lalo na't alam niya umano na maraming nag-aabang para maging co-stars sila sa isang palabas.
Pahayag ng Chinito Boss-sikap ng Quezon City, “Siyempre Oo, oo naman. Kagaya ng sinabi, lahat ng opportunities iga-grab natin as long as approved by the management, Sparkle.”
“Kami kasi ni Will nag-work na kami sa Mano Po, two years ago… Now, 'yung question is with Bianca De Vera naman alam ko maraming nag-aabang niyan,” dagdag pa niya.
Reaksyon naman ni Will tungkol dito, “Ako I've worked with Dustin and with Bianca. Pareho silang friends ko and masasabi ko talaga na very professional sila. I'm looking forward talaga na makatrabaho sila ulit ngayon na nakalabas na kami sa Bahay Ni Kuya.”
“Excited akong makita 'yung pag-grow nila not just as a person of course kundi sa craft nila,” sabi pa ng Mama's Dreambae ng Cavite.
Ang naging pahayag nina Will at Dustin ay ibinahagi ng GMA Integrated News sa isang clip sa Facebook.
Si Bianca ay nakilala sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Sassy Unica Hija ng Taguig.
Samantala, sina Dustin at Will ay parehas na naging ka-duo ni Bianca sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Ang kanya-kanya nilang supporters ay tinatawag silang DusBi at DusBia (Dustin at Bianca) at WillCa at WillBi naman para sa tambalang Will at Bianca.
Related Gallery: Sparkle's big homecoming surprise for Mika Salamanca, Will Ashley,
Charlie Fleming, and AZ Martinez