
Kilig ang hatid sa fans ng car-a-oke version nina Mika Salamanca at Will Ashley ng classic OPM na "Kahit Maputi na ang Buhok Ko." Ang netizens at kapwa nilang celebrities, kani-kaniyang comment tungkol sa ganda ng blending ng boses nila.
Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, July 19, ibinahagi ni Will na papunta sila noon ni Mika sa isang party nang maisipan nilang mag-jamming.
"Biglaan talaga na naisip namin, 'Uy, gawin natin 'to.' Sabi ko, 'Sige,'" pagbabahagi ni Will sa panayam sa kaniya ng batikang entertainment reporter.
Ani Will, mas maganda talaga ang mga ganoong biglaan dahil natural ang kinalabasan ng kanilang jamming session.
BALIKAN ANG ADORABLE AT NAKAKAKILIG NA PHOTOS NINA WILL AT MIKA SA GALLERY NA ITO:
Sa comments section, maraming fans at mga kaibigan ang nagpahatid ng kanilang kilig at suporta sa dalawa, kabilang na sina Michael Sager at Myrtle Sarrosa.
Ani Myrtle, "Omggg kinilig ako sa duet ninyo Moreee~"
Sabi naman ni singer-actress Ashtine Olviga, "Ay hehehe cute niyo naman (^-^)"
Komento naman ng isang netizen, "Gusto ko nang magmahal ulit dahil sa inyo!! "
Sa panayam kay Mika nitong weekend, nabanggit ng singer-actress na patuloy pa ring ang panliligaw sa kanya ni Will.
“Actually, yung relationship po namin ni Will parang mas nagiging deep po, mas nakikilala ko pa siya. I think si Will is someone na consistent sa akin after PBB. Ang hanggang ngayon, sobrang consistent po niya sa akin sa pag-pursue,” aniya.
Bukod sa pagpapakilig online, inaabangan din kay Will ang pagbida niya sa upcoming comedy series na Delivery Boi. May participation din ang Kapuso actor sa Metro Manila Film Fest entry na Amir.
Pagbabahagi ni Will tungkol sa pelikula, "Nakaka-overwhelm talaga 'yung mga nakita ko du'n, pero naka-help din siya sa 'kin, sa character ko, kasi nga 'yung character ko du'n, sobrang malalim."