What's on TV

Will Ashley at Prince Carlos, gaganap bilang magkapatid sa 'Regal Studio Presents: My Favorite Son'

By Marah Ruiz
Published January 15, 2022 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14-anyos na binatilyo, binaril sa ulo habang naglalakad sa Davao Occidental
2 boys trapped in Zamboanga City creek rescued
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley at Prince Carlos


Gaganap sina Will Ashley at Prince Carlos bilang magkapatid na tila polar opposites sa 'Regal Studio Presents: My Favorite Son.'

Magkapatid na lubos na magkaiba ang mga personalidad ang bibigyang-buhay nina Will Ashley at Prince Carlos sa upcoming episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Si Will ay si Christian, isang binatang mahilig sa music pero pinu-push ng kanilang ama na maging seaman para kalaunan ay maging kapitan ng barko.

"Matalino ako dito, mabait saka talagang malapit sa dad. Dapat n'yong abangan ito, mga Kapuso, kasi napaka raming exciting na mga eksenang mangyayari. Marami kayong matututunan at mapupulot na aral," pahayag ni Will sa Kapuso Kuwentuhan na ginanap noong January 13.

Iba ang pangarap ni Christian para sa sarili. Imbis na mag-seaman, mas gusto niyang i-purse ang musika.

"Add ko lang sa character ko, sa mga mahilig sa music diyan, makaka-relate din kayo kasi sobrang hilig ko sa music dito," ani Will.

Gaganap naman si Prince bilang Carlo, ang nakakatandang kapatid ni Christian. Hindi siya masyadong nabibigyan ng atensiyon ng kanilang ama dahil nakatutok ito kay Christian. Gayunpaman, very supportive pa rin siya bilang isang kuya.

"Ako naman, hindi ako matalino dito, kabaligtaran ni Will. Ako 'yung kuya ni Will sa 'My Favorite Son.' Very close kami ni Will. Actually, mas close pa kami compared doon dad ko. Like what Will said, maraming lessons na mapupulot so abangan niyo 'yan," lahad naman ni Prince.

Kay Carlo aamin si Christian tungkol sa mga plano niya para sa sarili, bagay na salungat sa pangarap ng kanilang ama para sa kanya.

Paano kaya tatanggapin ng kanilang ama ang desisyon ni Christian?

Huwag palampasin ang "My Favorite Son" sa January 16, 4:35 pm sa Regal Studio Presents.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: