What's on TV

Will Ashley at Ralph De Leon, may mensahe sa kanilang future girlfriend

By Karen Juliane Crucillo
Published July 17, 2025 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley and Ralph De Leon


Siguradong mapapatili ka sa kilig kapag nabasa mo ang mensahe nila Will Ashley at Ralph de Leon sa kanilang future girlfriends.

Nagpakilig ang Pinoy Big Brother housemates na sina Will Ashley at Ralph De Leon o binansagang "RaWi" sa teaser ng Your Honor ngayong Sabado, July 19, nang mabanggit ang kanilang mga future girlfriend.

Naitanong ng host na si Chariz Solomon kung mayroon ba silang mensahe sa kanilang future girlfriend.

"Sana kung nasaan ka man ngayon, mapagtagpo tayo whenever the time is right. Can't wait to meet you," sabi ni Ralph.

Kinilig naman si Chariz at ang kaniyang co-host na si Buboy Villar sa genuine na sagot ni Ralph.

Si Will naman ay diretsang nagbigay ng mensahe at sinabi na "Ako to my future girlfriend, lika na."

Mas lalo namang nagsigawan sa kilig sina Chariz at Buboy sa maikli ngunit powerful na mensahe ni Will sa kaniyang future girlfriend.

Nagwagi sina Will at Ralph bilang 2nd place sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Abangan ang kuwentuhan nina Will at Ralph sa Your Honor ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.

Samantala, balikan dito ang panayam nina Will Ashley at Ralph De Leon sa Fast Talk With Boy Abunda: