GMA Logo Will Ashley and Ralph De Leon
Courtesy: ralph_dl (IG) Will Ashley (TikTok)
Celebrity Life

Will Ashley at Ralph De Leon, ni-recreate ang buhat moment ng AZRalph

By EJ Chua
Published August 30, 2025 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line, amihan to bring cloudy skies, rains over parts of Luzon
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley and Ralph De Leon


Viral sa TikTok ang kulitan moments ng Team RaWi (Ralph De Leon at Will Ashley) sa kanilang Japan trip.

Kasalukuyang nasa Japan sina Will Ashley, Shuvee Etrata, at Ralph De Leon para sa special event ng isa sa brands na kanilang ineendorso.

Related gallery: Will Ashley, Shuvee Etrata, and Ralph De Leon explore Japan together

Sa TikTok account ni Will, mapapanood ang latest kulitan moments nila ng kaniyang final duo na si Ralph.

Labis na kinagiliwan ng fans at netizens ang biglaang pagbuhat ng Sparkle actor sa Star Magic artist habang sila ay sabay na tumatawid sa isang kalsada sa Japan.

Ayon sa ilang netizens, game na game na ni-recreate ng Team RaWi ang nag-viral na buhat moments ng AZRalph (AZ Martinez at Ralph De Leon).

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa nakaaaliw na trip nina Ralph at Will:

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 610,000 views ang naturang video sa TikTok.

@willxashley

Hello..

♬ U AND EYEEEEEE - J★

Sina Ralph at Will na nakilala sa Bahay Ni Kuya bilang Team RaWi ang itinanghal na Second Big Placer Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Related gallery: Bonding moments ng PBB Celebrity Collab Edition housemates sa outside world