
Ngayong espesyal na araw ng mga ama, nagbahagi ang ilang mga Kapuso stars ng kanilang paraan ng pag-celebrate ng Father's Day.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ang Prima Donnas star na si Will Ashley, inaming miss na miss na ang ama na pumanaw na noong 6 years old pa lamang siya.
"Siyempre si daddy rin po 'yung isa sa poprotekta sa akin eh 'di ba po? Kung nandito siya sana nagawa niya 'to."
Si Rita Daniela naman ay miss na ang ama na pumanaw four years ago.
"Habang nasa ICU si Papa, kinakantahan ko siya. Napansin lang namin na kapag kinakantahan ko siya, mas tumataas yung heart rate niya."
Dagdag pa ni Rita proud na proud ang kanyang ama sa kanya.
"'Yung papa ko daw meron siyang pinapakita na litrato ko sa wallet niya. Yung first ever na newspaper na nandun ako."
Samantala, si Mel Caluag naman na mula sa The Clash, ibinahagi ang pinagdadaanan ngayon ng kanyang ama.
Kuwento ni Mel, na-stroke at naparalisa ang ama na frontliner sa barangay nila.
"Siguro po na-overfatigue po siya noong mga nakaraan. Namimigay po ng relief goods tapos nagbabantay po sa amin, sa barangay po namin."
Dagdag naman niya ang kanyang pasasalamat na magkakasama sila ngayong Father's Day.
"Sobrang thankful po na magkakasama kami."