GMA Logo Will Ashley and Rocco Nacino in Bar Boys
Source: willashley17, nacinorocco (IG)
What's Hot

Will Ashley at Rocco Nacino, may 'praning moments' dahil sa 'Bar Boys After School'?

By Mark Joseph F. Carreon
Published December 22, 2025 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley and Rocco Nacino in Bar Boys


Ibahagi nina 'Bar Boys: After School' actors Will Ashley at Rocco Nacino ang kanilang mga hindi malilimutang karanasan habang ginagawa ang pelikula.

Noong Linggo, December 21, sa isang YouTube video mula sa Cinema Bravo, nagsama-sama ang ilan sa mga cast ng Bar Boys: After School na sina Rocco Nacino, Carlo Aquino, Kean Cipriano, Enzo Pineda, Will Ashley, Therese Malvar, at Sassa Gurl para sa isang panibagong episode ng video series na pinamagatang Barkadagulan.

Sa seryeng ito, ibinahagi ng cast ang kanilang mga kuwento tungkol sa buhay, sa pag-arte, at ang mga naging inspirasyon nila.

Nagbahagi ang Kapuso actors na sina Will at Rocco tungkol sa kanilang mga karanasan sa pagbuo hanggang sa pagsu-shoot ng pelikulang entry sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong 2025.

Isa sa mga binahagi ni Will ang pressure na naranasan sa pagganap sa role hanggang sa biglang pagpasok niya sa Pinoy Big Brother House habang ginagawa ang pelikula.

“Noong unang sinabi sa akin itong sequel, sobrang na-excite din ako of course, but at the same time, merong pressure sa'kin. Kasi nga noong naririnig ko s'yempre 'yung success nung first Bar Boys, nando'n 'yung pressure, 'di ba kung paano mo gagawin 'tong maayos, kung paano ka magfi-fit in sa naunang Bar Boys dito sa sequel na 'to,” kuwento ni Will.

“Nung time na sinabi sa akin ni Direk Kip, 'yun din 'yung time na papasok ako ng Bahay [ni Kuya]. 'Yun 'yung time na nag-audition ako no'n para sa role ni Arvin. Kaya ang dami ring tumatakbo sa utak ko no'n that time; pero at the same time, na-excite ako gawin 'yun to the point na nasa loob ako ng Bahay [ni Kuya] iniisip ko kung natanggal na ako, sana kasama pa rin,” dagdapg pa niya.

Pabiro namang sinabi ni Carlo sa video na tila ba iba ang focus ni Will sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Parang kinikilig ka ro'n. Parang kinikilig ka sa loob [ng Bahay ni Kuya],” biro ni Carlo.

Nagbahagi rin si Rocco ng tinatawag niyang “praning moments” niya bilang artista.

“Ang dami kong 'praning moments'; may career pa ba ako? Every day, lagi sinasabi ko: 'Magkaka-project pa ba ako?', 'Laos na ba ako?'. Katakot lang, kasi 'yung trabaho natin 'di siya forever talaga. Nakakapagod lang na mag-reinvent, nakakapagod lang gumawa ng mga bagay to keep up all the time, to stay afloat financially,” paliwanag ni Rocco.

“Pero siguro ito 'yung time na gusto ko magpasalamat sa film na 'to, and to the sucess kasi there were many times na akala ko laos na ako parang ayaw na yata ako kuhanin ng mga ano, pero because people kept on remembering this film and Torran, that's always made me feel na may kwenta pa ako,” dagdag pa niya.

Isa pa sa sa nakakagulat na ibinahagi ni Will ay ang gusto niyang maging eight years from now.

“By 28 or 29, gusto ko magkaroon na ako ng anak. Kasi parang mindset ko, gusto ko 'pag lumaki siya, masasabayan ko pa,” pag-amin ni Will.

“Ngayon, 'di ko naman na para i-sugar coat pa, medyo umo-okay na 'yung mga nangyayari sa buhay ko, kaya ngayon, parang ang pinakagusto ko lang ay ma-sustain ko lang talaga 'tong meron ako ngayon, madala ko hanggang sa magawa ko 'yung sinasabi kong makapag-iwan ako ng legacy sa industry,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Rocco ang karanasan na tila paglayo kay Will noon. “I'm reluctant to say, nakikita kita [Will] may lumalabas na ibang Rocco, sinasabi 'Dapat sikat ka!' Kapag nakikita kita [Will], may lumalabas na ibang Rocco na sinasabi 'Gusto mo 'yan 'no?' Kaya may time na iniiwasan kita, iniiwasan kong makita ka kasi nagkakaroon ng fine line, may whispers sa tenga ko na may nagpu-pull back sa'kin,” paliwanag ni Rocco.

“Nakatulong din na pinilit kong humarap sa'yo [Will]; para sabihin ko sa sarili ko na happy ako ngayon, na tama 'yung mga ano ko, na I have no regrets,” dagdag niya.

Tampok ang dalawang Kapuso actors sa sequel na ito na entry sa 51st Manila Film Festival ngayong taon. Gagampanan ni Rocco ang karakter pa rin niyang si 'Torran', samantalang si Will naman ang gaganap sa bagong karakter na si 'Arvin'.


RELATED CONTENT: Cast ng Bar Boys: After School, ipinasilip na