
Umingay ang social media kasunod ng December 16, 2025 episode ng noontime show na It's Showtime matapos pumunta ang Kapuso actor na si Will Ashley para sa isang performance.
Kasama niya sa guesting sa naturang show ang mga kapwa bida sa Metro Manila Film Festival 2025 entry na Love You So Bad na sina Kapamilya actress Bianca De Vera at kapwa Sparkle actor na si Dustin Yu. Hinarana nila ang “Madlang People” sa kanilang pagkanta ng nakakakilig na version ng kantang "Panalangin".
Matapos naman ito, naging usapan naman ang TikTok post ni Will kasama ang It's Showtime host na si Vhong Navarro habang sumasayaw ng iconic dance ng huli sa kantang "Incomplete".
“Suave lang,” caption ni Will sa kanyang TikTok post.
Agad naman itong kinakiligan ng netizens dahil sa angking kisig at galing sa pagsayaw ng dalawa. Maraming fans ang nag-comment at nagpakita ng appreciation kina Will at Vhong.
“Galing n'yo po both!” sabi ng isang fan.
“Suave suave ang galawan talaga!” ani pa ng ng isang fan.
Marami ring ikinokonekta ang love team nina Will at Bianca sa pairing naman ng It's Showtime hosts na sina Vhong at Anne Curtis.
Maraming netizens ang nagsasabi na may hawig si Bianca sa look at personality ni Anne at ngayon nama'y nagsama sin Will at Vhong na parehong magaling magsayaw. May ilan ding nagre-request na magsama ang apat sa isang TikTok video.
“What if take [two], kayo 'yung sasayaw tapos si Anne at Bianca 'yung kakanta. Maka-focus kaya kayo sa pagsayaw?” comment ng isang netizen.
“Ang daya parehas may ka-love team na Anne Curtis,” biro naman ng isang fan.
@willxashley Suave lang @Vhong Navarro ♬ original sound - Vhong Navarro
Kasalukuyang abala si Will Ashley sa pag-promote ng kaniyang MMFF entries na Love You So Bad, na collab project ng GMA Pictures, ABS-CBN's Star Cinema, at Regal Entertainment, at ang sequel na Bar Boys: After School.
RELATED GALLERY: CAREER WINS OF WILL ASHLEY AFTER PBB CELEBRITY COLLAB