GMA Logo Will Ashley Bianca De Vera and Dustin Yu
What's Hot

Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu, kinakiligan sa The Big ColLove Fancon

By EJ Chua
Published August 13, 2025 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley Bianca De Vera and Dustin Yu


Panoorin dito ang pinag-uusapang love triangle performance ng WillCa at DusBi sa The Big ColLove Fancon.

Tila hindi maka-move on ang netizens at fans sa collab song number nina Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu sa The Big ColLove Fancon na idinaos nitong Linggo, August 10.

Related gallery: The Big ColLove Fancon

Labis na nasorpresa ang lahat sa love triangle performance ng love team sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na WillCa (Will at Bianca) at DusBi (Dustin at Bianca).

Unang napanood sa big event ang pagharana ni Will kay Bianca, kung saan talaga namang dumagundong ang Araneta Coliseum dahil sa lakas ng pag-cheer ng kanilang fans.

Kasunod nito, tampok din sa event ang duet moments nina Dustin at Bianca na nagpakilig din sa audience at sa kanilang supporters.

Panoorin ang kanilang love triangle performance sa video sa ibaba:

Bukod sa kanilang song number, patuloy ding pinag-uusapan ang buwis-buhay performance ng Team CharEs (Charlie Fleming at Esnyr) at ang fiery ballroom dance number ng Team AZVer (AZ Martinez at River Joseph).

Samantala, si Will Ashley at ang final duo niya na si Ralph De Leon ang itinanghal na Second Big Placer Duo sa hit reality show.

Sina Dustin at Bianca naman ay final duo bago lumabas sa Bahay Ni Kuya sa hit collaboration project ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.