
Muling makakasama ng mga Kabataang Pinoy housemates sina Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu.
Sina Will, Bianca, at Dustin ay ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa teaser na ipinalabas sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ipinasilip ang tungkol sa pagbabalik ng tatlo sa Bahay Ni Kuya.
Kasunod nito, tila palaisipan sa viewers kung ano ang bagong task nila mula kay Kuya.
Kaabang-abang kung mayroon silang bagong sorpresa, balita, o twists na ihahatid sa housemates.
Samantala, sina Will, Dustin, at Bianca ay lead stars sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Love You So Bad, na kasalukuyang ipinalalabas ngayon sa mga sinehan sa bansa.
Samantala, huwag palampasin ang mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito.
At bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba:
Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'