
Talaga namang kaabang-abang ang susunod na mga kaganapan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa Instagram Stories, may pahapyaw si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes tungkol sa pagbisita ng Love You So Bad stars na sina Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu sa Bahay Ni Kuya.
Mababasa sa caption ni Atty. Annette, “So excited for LYSB [Love You So Bad] and your PBB guesting [smile emoji].”
Makikita sa Instagram na ni-repost ito ni Will sa kanyang account.
Ang tatlong Love You So Bad lead stars ay ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ano kaya ang task na matatanggap nina Will, Bianca, at Dustin mula kay Big Brother bilang houseguests?
Abangan 'yan sa mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream link na ito.
Bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba:
POLL: Who's your Female Big Winner in 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'? Embed Code:
POLL: Who's your Male Big Winner in 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'? Embed Code:
Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'