
Mas maraming manonood na ang makakakilala kina Vic, Savannah, at LA, ang lead characters sa romcom movie na Love You So Bad.
Ang pelikulang ito ay ipapalabas na sa streaming platform na Netflix simula sa darating na July 16.
Ang Love You So Bad ay pinagbibidahan ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ex-housemates na sina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca De Vera.
Makikilala rito si Will bilang si Vic at sina Dustin at Bianca naman ay mapapanood bilang sina LA at Savannah.
Ang istorya nito ay iikot sa complicated relationships, kung saan tampok ang love life at pati na rin ang relasyon ng mga karakter sa kanilang pamilya.
May dala rin itong makabuluhang life lessons na tiyak na makaka-relate ang viewers.
Ang pelikulang ito ay collaboration ng GMA Pictures, Star Cinema, at Regal Entertainment, at nabuo ito sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz Alviar.
Huwag palampasin ang istorya nina Vic, Savannah, at LA sa Love You So Bad.
Related gallery: Love You So Bad stars during the Media Night and Trailer Launch