GMA Logo Will Ashley, Bianca De Vera
Courtesy: willashley17 (IG), biancadeveraa (IG), Unbreak My Heart
What's Hot

Will Ashley, Bianca De Vera, umaasang magiging magka-duo sa 'Pinoy Big Brother'

By EJ Chua
Published May 10, 2025 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

City nabs suspects in anti-mendicancy poster vandalism
Angelina Jolie, ipinakita ang pilat mula sa kaniyang operasyon sa dibdib na mastectomy noong 2013
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley, Bianca De Vera


Mangyari kaya ang wish nina Will Ashley at Bianca De Vera o WilCa sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'?

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang bagay na gustong mangyari nina Will Ashley at Bianca De Vera sa loob ng Bahay Ni Kuya--ang maging magka-duo.

Sa latest episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, natunghayan ang heart-to-heart talk nina Will at Bianca na tinatawag ng ilang fans na WilCa.

Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'

Isa ang Kapamilya actress sa mga nominadong housemates, kaya naman sa pag-uusap nila ng Kapuso actor ay tila nagpapaalam na ang una.

Binanggit ng former Unbreak My Heart co-stars sa isa't isa na parehas silang umaasa na magiging magka-duo pa sila sa susunod na mga kaganapan sa iconic house.

“Natatakot ako for [nomination night], sobra, parang kakainin ako ng kaba ko,” sabi ni Bianca.

Mensahe naman ni Will sa kanya, “Valid naman 'yan, it's natural… Sana nga mag-duo pa tayo.”

“Next na tayo ha, if ever I make it, next na tayo,” reaksyon ng Star Magic artist sa sinabi ng Sparkle star.

Sa huli, nagkabiruan pa ang dalawa na baka ang pagiging magka-duo umano nila ang paraan upang pansinin na talaga nila ang isa't isa.

Samantala, si Bianca ang ka-duo ng Kapuso housemate na si Shuvee Etrata.

Kabilang ang ShuCa sa housemates na nanganganib na mapalabas sa Bahay Ni Kuya ngayong Sabado, May 10, sa ikaapat na eviction night.

Voting is still open at maaari mo pa silang iligtas.

Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya.

Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.